wiggles 2
wiggles/ Twitter image

Tinakbo sa pagamutan ang original lead singer ng sikat na Australian children’s music group na The Wiggles matapos na ito ay nawalan ng malay.

Naganap ang insidente sa isinagawang charity concert para sa mga bushfire relief sa Sydney ng biglang nawalan ng malay si Greg Page.

Isang sold-out reunion concert ang isinagawa para sa mga biktima ng wildfire sa Australia.

Sumikat ang grupo noong 1991 hanggang sila ay naghiwalay matapos ang mahigit 10 taon.

Ayon sa grupo dumanas ng cardiac arrest si Page at ito ay patuloy na nagpapagaling sa isang pagamutan.