Leon Redbone
Leon Redbone

Pumanaw na nag sikat na mysterious musician na si Leon Redbone sa edad 69.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaanak niya pero hindi na binanggit pa ang dahilan ng kamatayan nito.

Sumikat si Redbone noong dekada 70 na nauso ang country songs.

Nakasama niya noon si Bob Dylan sa Canadian music festival na sumikat ito sa suot niyang Panama hat at dark sunglasses.

Naglabas ito ng kabuuang 15 album sa apat na dekada nitong pamamayagpag sa kaniyang music career.