-- Advertisements --
Ibinenta na ni Justin Timberlakeng kaniyang buong music catalog.
Nagkakahalaga ito ng $100 milyon na ibinenta sa Hipgnosis Song Management isang music-investment company.
Nasa 200 mga kanta na kaniyang isinulat sa mahigit 20 taong career nito bilang solo artist at miyembro ng boyband na “NSYNC”.
Ang mga albums kasi ni Timberlake ay nakabenta ng mahigit na 150 milyon kopya sa buong mundo.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “SexyBack”, “Cry Me a River”, “Girlfriend” at maraming iba pa.