Jepsen Carly Rae
Carly Rae Jepsen/ IG post

Nasa bansa na ang Canadian singer-songwriter na si Carly Rae Jepsen.

Ito na ang pangatlong beses na bumisita ang singer.

Magsasagawa kasi ito ng concert sa New Frontier Theater ngayong Oktubre 23 bilang bahagi ng kaniyang “The Dedicated Tour”.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Call Me Maybe”, “I Really Like You” , “Run Away with Me” at maraming iba pa.