Inabot ng gabi ang ratipikasyon ng Kamara at Senado sa expanded Sin Tax Law sa huling araw ng kanilang sesyon nitong Miyerkules.

Ayon kay House committee on ways and means chairman Albay Rep. Joe Salceda, naging maingat at mabusisi sila sa pag-amyenda sa batas, dahil baka sa susunod na limang taon pa uli magkaroon ng revisit sa batas.

Itinuturing na tagumpay ng mambabatas ang pagkakasama na rin ng iba pang mga sakit na mabibigyan ng dagdag na tulong sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law.

Partikular na mabibiyayaan sa pinalawak na batas ang mga may mental health problems, tuberculosis, cancer, kidney disease, maliban pa sa dati nang covered nito na heart disease, diabetes at cholesterol issues.

Inaasahang makokolekta ang pondo mula sa buwis sa iba’t-ibang uri ng alak, sigarilyo at maging sa vape.