-- Advertisements --

Nagsagawa lamang ng simpleng misa si Pope Francis sa Vatican bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-10 taon bilang Santo Papa.

Naging Santo Papa ang 86-anyos mula sa Argentina noong 2013 dahil sa pagbaba sa puwesto ni Pope Benedict XVI dahil sa kahinaan ng katawan nito.

Kasama nito sa mga cardinals ng Vaticans.

Sinabi nito na hindi niya lubos akalain na umabot pa ng 10 taon sa panunungkulan dahil sa bilis ng panahon.

Sa kaniyang 10 taon na panunungkulan ay nakabisita nito ng 60 na mga bansa.

Una ng sinabi nito na bababa lamang siya sa puwesto kapag naramdaman niya na mahina na talaga ang kaniyang kalusugan.

Base sa record ng Vatican na ang pinakamatagal na Santo Papa nanungkulan sa puwesto ay si St. Peter the apostle ang unang Santo Papa na tumagal ng 35 taon na sinundan ni Pope Pius IX na tumagal ng mahigit 31 taon.