-- Advertisements --

Iniulat ng National Telecommunications Commission na mayroon nang 95Million Sim cards na nairehistro sa bansa, simula nag-umpisa ang SIM Card registration sa bansa.

Ang 95 Million ay katumbas ng 56.56% na halos 169 Million telco subscriber sa bansa.

Sa huling datus ng NTC, mula sa kabuuang SIM card registrants nitong Mayo-8, pinakamataas ang nairehistro sa ilalim ng Smar na may 44.9Million, sunod ang Globe Telecom na may 43.7M, habang 6.3M para sa bagong telco na DITO Telecom.

Patuloy namang hinihikayat ng NTC ang publiko na magparehistro hanggang sa July 25 na extended deadlines.

Matatandaang Abril 26 nang napaso sana ang deadline ng SIM Card registraion sa bansa ngunit dahil sa mababang bilang ng mga nairehistro, pinalawig ito ng hanggang Hulyo 25.