Patay ang kilalang chef na si Floyd Cardoz matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa edad na 59.

Noong Marso 18 ay lumabas na positibo ito sa virus matapos na magpasuri sa Mountainside Medical Center sa New Jersey.

Ipinanganak sa Mumbai, India at nag-aral sa Les Roches culinary school sa Switzerland at nagtungo ito sa New York City.

Unang binuksan nito ang restaurant na Tabla na sumikat sa India noong 1998.

Nagbukas ito ng Pao Walla restaurant sa New York City na sinundan ng Bombay Bread Bar.

Ilan sa mga negosyong binuksan nito ay ang Bombay Canteen, O Pedro at Bombay Sweet Shop.