Nakataas na ang signal number two (2) sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar dahil sa typhoon Bising.

Signal number one (1) naman sa Sorsogon, Albay, eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Masbate (Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz) kabilang na ang Ticao Island
Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands; Dinagat Islands, Surigao del Norte (kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands), pati na ang Surigao del Sur.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 460 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Sa kasalukuyan, taglay na ng typhoon Bising ang lakas ng hangin na 195 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 240 kph.