-- Advertisements --

Nag-landfall na ang Tropical Depression Verbena sa Bayabas, Surigao del Sur nitong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang sentro nito ay huling namataan sa Jabonga, Agusan del Norte bandang alas-4 ng hapon, na may maximum sustained winds na 45 km/h at pagbugso na aabot hanggang 75 km/h, at gumagalaw pa-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Kauagnay nito itinaas narin ng state weather bureau ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa maraming probinsya kabilang ang Mindoro, Romblon, Palawan, Visayas, Negros, Leyte, at Mindanao. Nagbabala rin ang PAGASA ng malalakas na hangin sa iba pang lugar dahil sa kombinasyon ng Verbena at Northeast Monsoon.

Inaasahang tatawid si Verbena sa Caraga Region ngayong Lunes ng gabi, at mabilis na gagalaw sa Visayas at hilagang Palawan, at posible ring lumakas bago pumasok sa West Philippine Sea.

Pinayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na sumunod sa evacuation orders at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.