-- Advertisements --

Ginulat ng Japan ang FIFA World Cup 2022 matapos ang kanilang “come from behind” na panalo laban sa four-time world champions na Germany sa score na 2-1.

Itinuturing na panalo ng Japan na isang upset laban sa Germany dahil sa nakahabol lamang sila pagdating ng second half sa laro na ginanap sa Khalifa International Stadium.

Ito na rin ang pinakamalaking panalo ng Japan sa kasaysayan ng football.

Sa first half kasi ay naipasok ni İlkay Gündoğan ang kaniyang penalty kick.

-- Advertisement --

Pagpasok ng second half ay pinalitan ng coach ng Japan ang halos lahat ng manlalaro.

Dito ay naipasok ni Takoma Asano ang goal para sa Japan para maitabla sa 1-1 ang laro.

Pagkatapos naman ng ilang minuto ay naitala ni Ritsu Doan ang goal para makuha ang kalamangan ng Japan 2-1.

Pinilit ng Germany na maitabla ang laban subalit naging matindi ang depensa ng Japan.