Kinumpirma ngayon ng Department of Justice (DoJ) na nakapasumite na ng initial investigation report ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkapatay ng siyam na pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.
Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, naglalaman daw ang report ng accounts ng 10 testigo, forensic findings ng medico legal at ballistic experts.
Kasama rin sa isinumite ang affidavits ng pamilya ng mga namatay na army itelligence officer.
Malinaw daw sa ballistic report na ang shells at slugs na natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ay nag-match sa baril na gamit ng mga police officers na sangkot sa krimen.
Karamihan daw sa mga biktima ay nagtamo ng bullet wounds sa likod ng mga biktima.
Lumalabas din sa inisyal na report na ang isang sundalo raw ang nagtamo ng walong tama ng bala.