-- Advertisements --

Muling naging aktibo sa social media ang sexy actress na si Kim Domingo ilang araw matapos na ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ito ng larawan habang nakasuot ng itima swimsuit at may caption na “I’m Back.”

Nauna nang inanunsiyo nito noong Agosto na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Dahil sa pagiging positibo ay minabuti nitong mag-deactivate ng social media noong Agosto 31.

Ikinatuwa naman ng mga fans nito ang muling pagiging aaktibo niya sa social media kung saan umasa ang mga ito na tuluyan ng gumaling ang sexy actress.

-- Advertisement --