Binawi na ni Thailand prime minister Prayut Chan-o-cha ang severe state emergency status na unang ipinatupad sa nasabing bansa noong Oktubre 15.
Base sa anunsyo ng Royal Gazette, payapa na ang kasalukuyang sitwasyon sa Thailand dahil sa pagpapatupad ng emergency decree.
Sinundan naman ito ng isang pre-recorded televised speech ng prime minister kung saan inilahad nito na siya mismo ang gagawa ng unang hakbang upang humupa na ang political tension sa bansa.
Libo-libong raliyista ang nagtipon-tipon sa kalsada ng Thailand para ipagsigawan ang kanilang nais na bagong Konstitusyon, monarchy reform at pagbaba sa pwesto ni Prayut.
Nanawagan din ito sa mga demonstrador na huwag nang magdulot ng kahit anong ikapapahamak ng iba pang mamamayan at makipagtulungan na lamang sa mga representatives ng parliyamento.