-- Advertisements --
Umatras na si Serena Williams sa doubles match kasama ang kapatid na si Venus sa Wimbledon.
Ayon sa 44-anyos na si Serena, na nagtamo ito ng injury sa kaniyang kanang tuhod.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang pagkatalo niya sa tatlong sets sa singles match.
Sinabi nito na labis siyang nalulungkot dahil hindi ito makakapaglaro subalit tiniyak niya na babalik din ito kapag tuluyan ng gumaling.
Hindi naman niya matiyak kung makakapaglaro pa ito sa US Open sa mga susunod na buwan.
















