Serena Williams
Serena William/ IG post

Umatras na sa Italian Open si US tennis star Serena Williams.

Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng injury sa kaliwang tuhod.

Inanunsiyo ito ng organizer ng tournament matapos ang panalo niya kay Swedish tennis player Rebecca Peterson.

Ito na ang pangatlong beses na pag-atras ng 37-anyos na tennis star dahil na rin sa problemang physical.

HIndi naman binanggit ng kampo nito kung makakapaglaro ito sa French Open na gaganapin sa susunod na dalawang linggo.