-- Advertisements --
Mabilis na natapos ang kampanya ni US tennis star Serena Williams sa Wimbledon.
Ito ay matapos na talunin siya ng unseeded player na si Harmony Tan sa unang round ng torneo.
Bagamat nahirapan si Tan ay hindi pa rin ito nawalang ng focus sa score na 7-5, 1-6 at 7-6(10).
Halos hindi makapaniwala si Tan ng talunin niya ang tennis favorite.
Pinalakpakan naman ang 23-time Grand Slam habang ito ay papalabas sa court dahil sa tindi ng laro na kaniyang ipinamalas.
Huling nakaabot ng finals ng Wimbledon ang 40-anyos na si Williams ay noong 2019.










