Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang Setyembre 12, 2022 sa Ilocos Norte bilang parangal sa namayapang diktador na si Ferdinand Marcos, anibersaryo ng kaniyang kapanganakan.
Ibinahagi ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang Proclamation No. 53, na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez noong Miyerkules.
Bagama’t ang ika-105 na pagdiriwang ng kapanganakan ng ama ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ay tumama sa Linggo o sa Setyembre 11, ang espesyal na non-working holiday ay magbibigay-daan sa lalawigan na “ipagdiwang ang okasyon.”
Si Marcos Sr. ay nasa kapangyarihan mula 1965 hanggang 1986.
Ang nakatatandang Marcos ay nagpataw ng batas militar mula 1972 hanggang 1981, isang panahon na nabahiran ng katiwalian at mga pang-aabuso sa karapatang pantao.
Iniulat ng right watchdog na Amnesty International na humigit-kumulang 70,000 katao ang nabilanggo, 34,000 pinahirapan at mahigit 3,200 ang napatay noong Martial Law.