-- Advertisements --
Natagpuang patay na si Seoul City Mayor Park Won-soon.
Nakita ng Seoul Metropolitan Police Agency ang bangkay ng 64-anyos na alkalde sa Mt. Bugak sa northern Seoul.
Natuntun ang nasabing biktima dahil doon sa lugar umano huling nakitang aktibo ang signal ng kaniyang cellphone.
Magugunitang ipinaalam sa kapulisan ng anak nitong babae ang pagkawala ng ama matapos na hindi na ito nakapasok sa kanilang opisina.
Nahalal na alkalde ang 64-anyos na si Park sa Seoul noong 2011 at noong Hunyo 2019 ay ang huling pagkahalal nito sa kaniyang ikatlo at huling termino.
Bilang miyembro ng liberal Democratic Party ni President Moon Jae-in at siya rin ay ikinokonsidera na malakas na pambato sa pagkapangulo sa 2022.