-- Advertisements --

Itinuturing ngayon ni Vice President Sara Duterte na ang ginawang biglaang pag-rally ng Iglesia Ni Cristo sa bahagi ng EDSA White Plains.

Sinabi nito na ang nasabing kilos protesta ay nagpapakita ng kaniyang matagal ng hinaing mula pa noong 2024.

Dagdag pa ng Bise Presidente na nagpapatunay lamang na ang kasalukuyang administrasyon ay mayroong mahinang panunungkulan.

Hindi aniya natutugunan at kinikilala ng gobyerno ang tunay na problema ng mamamayan.

Ilan sa mga tinukoy nito ay ang patuloy na pagtaas na presyo ng mga bilihin, kakulangan ng trabaho at nananatiling walang pakialam umano si Pangulong Ferdinand Marcos sa hinanakit ng mamamayan.

Inakusahan ng Bise Presidente ang Marcos administration na ginagamit ang justice system para kasuhan at ipakulong ang lahat ng mga indibidwal na tumutuligsa sa gobyerno.

Magugunitang ilang libong mga INC members ang biglang nagsagawa ng kilos protesta sa kahabaan ng EDSA -White Plains isang araw matapos ianunsiyo ng Office of the Ombudsman na kanilang inihahanda ang kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta.