-- Advertisements --

‎Nasa 11 (Labing isang) katao ang inirekomendang kasuhan ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa anti hazing law may kaugnayan sa pagkasawi ng 2 Ateneo basketball player habang sila ay nasa team building sa probinsya ng Aurora.

‎ Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na na nanguna na kakasuhan ang headcoach na si Tab Baldwin at mga coaching staff.

‎Malinaw aniya sa bawat testimonya na kanilang nakuha ay nagpapakita ang nasabing paglabag.
‎‎
‎Ipinaliwanag din ng kalihim na hindi nangangahulugan na mayroong waiver na pinirmahan ang mga manlalaro ay lusot na ang mga ito sa kaso.

‎umabot sa mahigit 600 na pahina ng mga sinumpaang salaysay ang nakuha ng mga otoridad mula ng simulan ang kanilang imbestigasyon.

‎Ang nasabing rekomendasyon ay isinumite na nila sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.