CAUAYAN CITY – Namatay isang lola matapos banggain ng isang motorsiklo na minamaneho ng umanoy isang lasing sa barangay Antagan 2nd, Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay si Aurelia De Guzman, 63 anyos, may- asawa at residente ng nabanggit na barangay habang ang nagmamaneho ng motorsiklo ay si Mark Ballesteros, 20 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Cumabao , Tumauini, Isabela .

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya na papatawid sa kalsada ang biktima ng bigla na lamang banggain ng isang motorsiklo na minamaneho ng suspek at ng kanyang backrider.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na galing sa inuman ang mga sakay ng motorsiklo.

Inamin naman ni Ballesteros na mabilis ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo nang mabangga ang biktima

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo at bali sa kaliwang binti ang biktima na agad dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Dinala sa Tumauini Police Station ang suspect at backrider nito para sa dukumentasyon at disposisyon.