CEBU CITY – Ginanap ang send-off ceremony para sa unang 50 mga healthcare workers na nanggaling sa Central Visayas na ipapadala sa NCR Plus.
Sa nasabing bilang, 11 dito ay doctor, 35 ang mga nurse at apat na medical technologist.
Layunin ng nasabing inisyatiba na makatulong sa nasabing mga lugar sa patuloy na pakikibaka laban sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Dumalo sa nasabing seremonya ang mga opisyal sa Central Visayas na sina Cebu City Mayor Edgardo Labella, Cebu City Vice Mayor Michael Rama, Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia, DOH-7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche at iba pa.
Bukod sa mga healthcare workers ay magpapadala rin ang Region 7 ng convalescent plasma para sa mga COVID-19 patients.
Aabot sa tatlong buwan ang pananatili ng mga nasabing health workers at makakatanggap ng incentives mula sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) na P5,000 bawat buwan.
Ibang allowance naman ang matatangap galing sa Cebu province na P5,000 bawat buwan at P10,000 naman mula sa Cebu City habang naghihintay ang P10,000 para sa mga health workers sa panahon na matapos ang tatlong buwan.
Panigurado ng OPAV, libre ang accomodation ng mga health workers sa loob ng pananatili nila sa Metro Manila.