Inanunsyo ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng Senate committee on foreign relations, na nagkasundo ang mga miyembro ng kanyang komite na magsagawa ng pagdinig ukol sa Visiting Forces Agreement ( VFA) sa pagitan ng Estados Unidos.
Sinabi ni Pimentel na anim na senador na mga miyembro ng komite ang dumalo sa kanyang ipinatawag na pagpupulong kaninang alas 10 ng umga kung saan lahat ay sumang-ayon na i-review ang kasalukuyang kasunduan sa pagitan ng US.
Nilinaw naman ni Pimentel na hindi nangangahulugan na ang isasagawang hearing ay bubuwagin na ng VFA .
Aniya kanilang pag-aaralan ang mga advantages at disanvantages ng VFA sa Pilipinas at sa mamayan tulad ng mga security concerns, intelligence gathering at iba pa upang malaman kung bubuwagin o mas lalong papalakasin.
Ikukumpara rin ng senado ang VFA ng Pilipinas sa pagitan ng Australia at Estados Unidos.
Sinabi rin ni Pimentel na isang araw lamang nila gagawin ang pagre-review o ang pagdinig para makagawa agad ng committee report para matalakay agad sa plenaryo at maisumite na ito sa palasyo ng Malakanyang bago matapos ang buwan ng Pebrero.
Target na gawin ni Pimentel ang pagdinig sa araw ng huwebes sa susunod na linggo.