-- Advertisements --

Inihayag ni Senator-Judge Panfilo Lacson na hindi niya susuportahan ang pagbubukas ng kahon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang walang written authority o nakasulat na pahintulot mula sa Pangulo na kinakailangan sa ilalim ng batas.

Ang BIR box nga ay naglalaman ng mga tax record ni Vice President Sara Duterte at kaniyang mister na si Atty. Manases Carpio.

Ipinaliwanag ni Lacson na hindi siya maaaring makibahagi sa anumang hakbang na maaaring lumabag sa batas.

Partikular na tinukoy niya ang Sections 71 at 270 ng National Internal Revenue Code at jurisprudence ng Korte Suprema o mga naunang desisyon ng Korte.

Binigyang-diin ng senator-judge na walang nakalalamang sa batas maging ang impeachment court na lumilitis sa kaso ni VP Sara.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya pinapaburan ang panig ng depensa, bagkus ay kaniya lamang iginigiit o pinapairal ang batas.