Mananatili ang hybrid plenary session at online committee hearings ng Senado, kahit bumalik na sila sa regular na sesyon.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, naging epektibo naman ang mga nakalipas na pagdinig, kahit hindi sila personal na nagkikita-kita, bilang pag-iingat na mahawa ng COVID-19.
Sa pahayag naman ni Sen. Grace Poe, naging problema lamang nila ang internet signal sa ilang hearing, ngunit maayos naman ang ibang aktibidad.
Sang-ayon din si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa video conferencing, ngunit aminadong may ilang isyu na dapat umanong hanapan ng solusyon.
Malabo pa rin kasi ang pagpapatupad ng contempt power ng Senado sa ilang resource person, kung ang mga ito ay hindi nagsasabi ng totoo o hindi tumatalima sa mga patakaran ng kapulungan.