-- Advertisements --

Sisimulan sa Miyerkules, Pebrero 1 ng Senado ang pormal na pagdinig ukol sa Maharlika Investment fund.

Ayon kay Senate Committee on Banks Chairman Mark Villar na nalinawan na ng mga economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang mga usapin ukol sa Maharlika Investment Fund.

Lahat aniya ng mga senador ay nabigyan ng paglilinaw sa isinagawang pagpupulong nila nitong Lunes.

Magugunitang ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga senador na dapat pag-aralan nilang mabuti ang Maharlika Investment Fund.