Inumpisahan na rin ng Senado ang paghimay sa panukalang P4.506 trillion national budget para sa taong 2021.
Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, binuksan nila ang budget hearing, halos isang linggo makaraang magsimula ang Kamara sa kanilang deliberasyon.
Dumadalo ngayon sa budget briefing si Bangko Sentral Gov. Benjamin Diokno, para iulat ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at antas ng pananalapi ng ating bansa.
Tinukoy pa nito na ang Philippine peso ang “best performer” mula sa hanay ng Asian currencies kontra sa US dollar.
Batay sa year to date record, umangat ito ng 4.14 percent.
Sa paglalaan ng pondo, inaasahang mabibigyan ng malaking alokasyon ang para sa COVID response ng pamahalaan, pati ang edukasyon at infrastructure projects para sa susunod na taon.