-- Advertisements --

Muling magpapatawag ng pagdinig ang Senate committee on basic education para tingnan ang mga plano ng Department of Education (DepEd) at iba pang stakeholders sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian sa panayam ng Bombo Radyo, mahalagang masuri ang mga hakbang ng ahensya para matiyak ang kahandaan ng mga guro at estudyante sa bagong sitwasyon ng pag-aaral.

Layunin din nitong matulungan ang mga nasa sektor ng edukasyon, kung sakaling may mga kakulangan pa.

Pero sa pagtaya ng senador, ang unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay indikasyon na maaari nang ibalik ang pasok ng mga bata, kasabay ng pagpapatupad ng angkop na pag-iingat.