Warren Elizabeth
Senator Elizabeth Warren/ IG post

Tuluyan ng umatras sa Democratic presidential race si Senator Elizabeth Warren.

Ayon sa kampo ng Massachusetts senator, nadismaya ito sa naging resulta ng Super Tuesday.

Sa unang round kasi ng botohan sa Iowa ay pumangatlo ang puwesto niya sa mga sumunod ay New Hampshire at Nevada ay naging pang-apat siya habang nasa pang-limang puwesto ito sa botohan sa South Carolina.

Dahil sa kaniyang pag-atras ay naging malakas na pambato ng Democrats sina Senator Bernie Sanders at dating Vice President Joe Biden habang posibleng umangat na rin ang puwesto nina Minnesota Senator Amy Klobauchar at dating South Bend, Indiana Mayor Pete Buttigieg.

Nauna rito umatras na rin sa pagtakbo sa pagkapangulo si dating New York Mayor Michael Bloomberg.