No show sa Philippine Military Academy (PMA) si Sen Antonio Trillanes na miyembro ng PMA Class 1995

Apat na senador ang dumalo sa alumni homecoming ito ay sina Senators Ping Lacson, Sen. Gringo Honasan na pawang mga cavaliers na miyembro ng PMA Class 1971.

Dumalo din sa homecoming sina Senators Alan Peter Cayetano at Manny Pacquiao.

Ilang araw bago ang PMA Alumni Homecoming inakusahan ni Sen. Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga tagong yaman at sangkot din sa korapsyon.

Kanina sa talumpati ng pangulo sa harap ng mga cavaliers hindi nito binanggit ang isyu na ibinabato sa kaniya ng senador.

-- Advertisement --

Bagkus hinikayat nito ang mga PMAers na makiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.