Kinumpirma ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na lumala pa ang kondisyon ng kaniyang mister na si Sen. Bong Revilla, na una nang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa alkalde, nag-develop ang pneumonia habang naka-quarantine ang kaniyang asawa.
Matatandaan na una nang kinumpirma ni Revilla na nagpositibo siya sa coronavirus noong Agosto 9, 2020.
Habang wala namang na-detect na infected ng naturang sakit sa iba pa nilang kaanak at kasamahan sa bahay.
Dahil sa pagkakaroon ng pneumonia, isinugod na ang senador sa isang medical facility, para maagapan ang kalagayan ng kaniyang kalusugan.
“Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father we lift him up to you,” wika ni Mayor Mercado-Revilla.