May lungkot na sinariwa ni Sen. Grace Poe ang pagiging mabuting magkaibigan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. at ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Bumisita si Sen. Poe sa Makati Medical Center kung saan kasalukuyang naka-admit sa Intensive Care Unit si Manoy.

Ayon kay Poe, wala raw FPJ kung wala si Eddie Garcia. Nagdala raw kasi ng kakaibang excitement sa mga manunuod ang naging palitan nito ng linya kasama si Da King. Minsan nga raw ay nalilito na ang mga tao sa set kung sino ba talaga ang leading lady ni FPJ dahil palagi silang magkasama ni Manoy.

Labis din ang pasasalamat nito sa 90-anyos na aktor dahil hindi raw nito iniwan ang kanilang pamilya sa kabila ng pagkamatay ni FPJ.

Samantala, isinailalim si Manoy sa critical observation sa loob ng 48 oras ngunit hanggang ngayon ay unresponsive pa rin daw ang aktor at practically brain dead na rin daw ito sa kabila ng normal na pagtakbo ng kanyang puso.

May posibilidad din umano na tanggalin na ito sa life support matapos makaranas ng Glasgow coma o ang pinaka mababang lebel ng conciousness ng isang tao kasunod ang natamo nitong traumatic brain injury.