-- Advertisements --
Pumanaw na ang komediyantengsi Amay Bisaya sa edad na 67.
Kinumpirma ng kaanak nito ang pagpanaw ng komedyante o Roberto Reyes sa tunay na buhay.
Itinuturong dahilan ng kamatayan nito ay ang hindi na nakayanan ang sakit na diabetes.
Nakilala ang komedyante sa pagsama nito sa ilang pelikula na pinagbibidahan nina Fernando Poe Jr, Rudy Fernandez, Eddie Garcia at maraming iba pa.
Sa darating na Mayo 11 ay sisimulan ang lamay ng komedyante sa St. Peter Memorial Chapels sa Quezon City.