-- Advertisements --

Nag-review ang mga senador ng kanilang Senate rules, matapos mag-walkout sa sesyon si Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, dahil sa napakaraming delay at hindi nasusunod na calendar of business.

Nakatakda sana kasing i-sponsor ni Poe ang ilang franchise bill, subalit mula sa orihinal na schedule nito ay nasingitan ng iba pang mambabatas.

Kabilang sa mas naunang mag-sponsor ng Senate Bill 2152 si Sen. Sherwin Gatchalian at sinundan ni Sen. Joel Villanueva.

Makalipas ang sponsorship, sunod na pinahintulutan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Sen. Richard Gordon para sa kaniyang privilege speech tungkol sa Philippine General Hospital (PGH).

Pero nang tatawagin na si Poe, “walked out” na umano ito at hindi na nakibahagi sa sesyon.

Nang buklatin ni Senate President Tito Sotto ang rules, nakasaad naman daw dito na normal lamang ilagay sa dulo ng Senate proceedings ang local bills, habang nasa unahan naman ang priority measures at iba pang national bills.