Hindi naitago ni Sen. Pia Cayetano ang pagkadismaya sa ilang kasamahan sa Senado na umano’y nagpapasaring ukol sa hindi nila pagsusulong ng personal na pakinabang sa Bayanihan 2.
Para kay Cayetano, tila pagpaparinig ito na may nakinabang sa panig ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Batid naman daw ng lahat na kapatid niya si House Speaker Alan Peter Cayetano at maraming iba pang malapit sa kaniya na kasalukuyang miyembro ng Kamara.
“I would like to point out that the insinuation that no one in the Senate pushed for their own personal gain is it appears that our counterparts in the House did. And you all know that the Speaker is my brother,” wika ni Cayetano.
Sinabi pa nito na nais niyang ipatala sa record na na-offend siya sa bahaging iyon ng kanilang special session.
“I’d like to, on behalf of my former colleagues in the House, to put on record that I do take offense. That, ang dami nating parinig na ‘yung para sa kanila ay may persona gain. I leave it up to you what your intention is, whoever makes those insinuations. Pero sa akin lang po, I’ve worked with them. And if you feel that there is one agency that is not competent to be lodge with state funds, that is our prerogative to fight for that,” wika pa nito.
Ang mga senador ay nagdaos ng special session para maratipikahan ang Bayanihan to Recover as One Act na tinalakay ng limang araw sa bicameral confernce committee.
Sinasabing ang Bayanihan 2 ay binalangkas para magkaroon ng basehan ang paglalaan ng dagdag na tulong para sa mga sektor na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, kagaya na lamang ng health workers, turismo at maraming iba pa.