-- Advertisements --
Naghain ng not-guilty plea si Senator Rodante Marcoleta sa kaso nitong plunder sa Sandiganbayan Third Division.
May kaugnayan ang kaso nito dahil sa hindi pagdeklara niya ng P75-M halaga ng campaign donations.
Kasama rin itong naghain ng not-guilty plea sa kaso nitong paglabag sa Presidential Decree 46 na nagbabawal sa mga public officials na tumanggap ng anumang regalo.
Maging ang kaniyang umanoy campaign donor at co-accused na negosyanteng si Joseph Espiritu ay naghain din ng not guilty sa parehas din na kaso.















