-- Advertisements --
sen nancy binay
Sen. Nancy Binay

Magkasunod na kinumpirma ngayon nina Senators JV Ejercito at Nancy Binay na parehong nagposito rin sila sa COVID-19 matapos na sumailalim sa RT-PCR test.

Para kay Ejercito, sa ngayon aniya ay wala naman siyang nararamdamang anumang sintomas.

Habang si Binay ay nanawagan naman ng dasal para sa kanilang full recovery at sa mga kasamahan.

“I am currently at home in isolation, and strictly following recommended protocols, including health and safety procedures. My family and I are asking for your continued prayers for me and my colleagues in the Senate for our full recovery,” ani Sen. Binay.

-- Advertisement --

Una rito, kagabi kinumpirma rin ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo rin siya sa COVID.

“Tested positive for COVID-19 according to RT-PCR test yesterday morning, result of which was e-mailed late last night. No symptoms. No symptoms at all. Just had myself tested yesterday because so many Senators are now positive,” pahayag din ni Sen. JV sa isang statement.

JV EJERCITO
Sen. JV Ejercito

Kung maalala ang iba pang mga mambabatas na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Grace Poe.

Sa ngayon pinapairal muna ang mas mahigpit na pag-oobserba ng health protocols sa Senado dahil pa rin sa naturang outbreak matapos na magkakasunod na tinamaan ng virus ang pitong mga senador mula ng magbukas ang 19th Congress noong buwan ng Hulyo.