-- Advertisements --
Tiniyak ni newly elected Senate President Alan Peter Cayetano na susunod ang Senado sa Konstitusyon sa paghawak ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos i-utos na ma-itransmit na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Ayon kay Cayetano, kapag natanggap na ang Articles of Impeachment, rerepasuhin muna ang rules at agad magpupulong ang Senado upang maayos na simulan ang proseso.
Giit niya, susunod sila sa interpretasyon ng Korte Suprema at sa “forthwith” o agad-agad na pagdinig,
Sa katunayan, kasalukuyan na rin umanong pinag-uusapan ang rules kasama ang minority bloc.
Saad ng Senate President na hindi niya nais magkaroon ng delay sa proseso.















