-- Advertisements --

Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na natutuwa siya sa pagbasura ng kaso laban sa mga opisyal na naka-tag sa kontrobersya sa pag-import ng asukal.

Kasunod ng case dismissal, iginiit ni Hontiveros na nananatiling mataas pa din ang halaga ng asukal sa bansa at kailangang tugunan.

Aniya, naabswelto man sila, ang susunod umano na pinakamahalagang tanong ay kung pakikinggan din ba ang kanilang naging policy recommendation na taasan at isunod sa dati ang sugar reserves ng bansa.

Dagdag niya, kailangang tugunan ang mataas pa ring presyo ng asukal at kasabay na alagaan ang interes ng mga konsyumer nito.

Kung matatandaan, kamakailan lamang ay inabswelto ng Office of the President sina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica, at SRA board members Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

Ang Senate Blue Ribbon Committee ay nag-imbestiga sa kabiguan pagkatapos ng Sugar Order No. 4, na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Una rito, pagkatapos ng serye ng mga pagdinig, inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kaso laban sa apat na na naturang opisyal.