-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang isang 31-anyos na lalaki matapos umanong manlaban sa mga kapulisan habang nagsasagawa ng buybust operation sa illegal na armas sa Manville Subdivision, Baranga Pahanocoy, Bacolod City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Capt. Adrian James Albaytar, pinuno ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, nagsagawa sila ng buybust operations laban kay Aljon Cabalhin, 31-anyos at residente ng Purok Seaside, Barangay Pahanocoy, Bacolod City matapos malamang ito ay nagbebenta ng illegal na armas.

Ayon kay Albaytar, alas 3:00 ng umaga ang kanilang scheduled na transakyon sa poseur buyer at ng nasa lugar na sila, nanlaban si Cabalhin kun saan siya ay naneutralize.

Maliban sa pagbebenta ng illegal nga armas, ayon kay Albaytar, may warrant of arrest din ito sa kasong attempted homicide.

Wala naman itong rekord o existing warrant of arrest sa illegal na droga.

-- Advertisement --