Mas dinoble pa ng mga kapulisan sa London ang kanilang seguridad ilang oras bago ang coronation ni King Charles III.
Nagkalat ang mga kapulisan sa paligid ng Buckingham Palace at maging sa mga lugar kung saan dadaan ang convoy ng Royal Family.
Ayon sa Metropolitan Police ng London na ipinatupad nila ang layered security approach kung saan bukod sa mga uniformed police na nakakalat ay mayroong naka-sibilyan na manonood sa mga tao.
Itinuturing naman ni Commissioner Mark Rowley na ito na ang pinakamalaking deployment ng kapulisan sa London.
Bukod kasi sa mga well-wishers ay inaasahan nila ang anti-monarchy protest na magsasagawa ng kilos protesta sa Trafalgar Square at sa ibang parte ng United Kingdom.
Nagsimula na kasing dumating sa Buckingham Palace ang mga iba’t-ibang lider ng bansa kung saan personal na hinarap ito ni King Charles III.
Matapos ang pagdalo ni King Charles at Queen Consort Camila ay nilapitan nila ang mga Royal fans na nakapaligid sa Buckingham Palace.
Kasama nitong bumati ay sina Princess of Wales at Prince William.