-- Advertisements --

Sinusuri na rin ng Department of Science and Technology (DOST) ang ilang uri ng sediments o materyales mula sa ilalim ng dagat para magamit na panggamot sa sari-saring sakit.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato dela Pena, may mga inisyal nang test at nakita rito ang malaking potensyal na magamit ang mga iyon laban sa mga nakakahawang virus.

Kasabay nito, pinag-aaralan din ang iba pang sample na nakikitaan ng properties na may medicinal effect sa tao, lalo na ang mga raw materials na karaniwang matatagpuan sa ating bansa.

Isa sa naging susi ng mga hakbang na ito ang pagkakatuklas ng anti-biotic na mula sa Iloilo na tinatawag nilang “ILUSOL.”

Katuwang ng DOST sa pag-develop na ito ang mag-asawang balik-scientist na nag-aral pa sa bansang Japan.