-- Advertisements --

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa isa na namang investment scam na kanilang na-monitor sa mga nakalipas na araw.

Ayon sa abiso ng SEC, walang pahintulot na mangalap ng invest ang EXTREMEBOT CORPORATION o kilala rin bilang “Extremebot Online Shop; Mac.ph Advertisement Marketing; Extremecorp 130; MACBOT; Extremecorp100 sa social media.”

Pinatatakbo umano ito ng isang Mon Carlo A. Castro.

Ang EXTREMEBOT ay isang korporasyon na nakarehistro sa komisyon noong Septyembre 30, 2020, subalit walang sapat na pahintulot para mangulekta ng investment mula sa publiko.

Ayon sa SEC, pangunahing layunin ng kompaniyang ito ay mag-benta online at maging retail market ng mga rejuvenating sets o beauty products katulad ng sabon, toner, night cream at sunblock, ngunit walang hindi pinahihintulutang kumuha ng investment.

Nabatid na ang EXTREMEBOT ay nag-aalok sa kanilang target investors sa anyo ng membership fee, kung saan ang isang miyembro ay maaaring mamuhunan, bagay na ipinagbabawal ng Securities Regulation Code.