Umakyat pa sa 217 ang total na bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, nitong araw nang may 15 pa na nag-test positive sa sakit at hinihintay pa natin ngayon ang mga impormasyon kaugnay ng kung saan sila na-admit at kung paano sila nahawa ng sakit.
Samantala, good news naman dahil may isa pang gumaling mula sa sakit.
Siya ay si PH20 na ngayon ay ika-walong recovered patient na ng COVID-19 sa Pilipinas.
Isa siyang 48-anyos na seaman mula Cavite, na naitalang may travel history sa Japan.
Sa data ng Health department, na-admit siya noong March 7 sa RITM, Muntinlupa at nag-test positive noong March 9.
Na-discharge na raw ito matapos na dalawang beses mag-test negative.
Nilinaw naman ng DOH ang impormasyong naiulat kahapon tungkol kay PH57 na siyang 16th death case ng COVID-19.
Matapos ang ginawang validation ng ahensya sa case investigation form nung pasyente, lumabas na taga-Bulacan at hindi taga-Pasig City yung 65-year old na lalaking namatay.
Sa ngayon wala namang naitalang bagong kaso ng namatay mula sa sakit at nananatili sa 17 ang total death case.