-- Advertisements --
Karamihan sa mga residente ng Paris ang pumabor sa tuluyan ng pagbabawal sa pagpaparenta ng mga electric scooter.
Base sa isinagawang referendum na inorganiza ni Paris Mayor Anne Hidalgo ay lumabas na 90 percent sa mga residente ang pumabor na dapat tanggalin na ang pagpaparenta ng mga electric scooter.
Bagamat mababa ang turnout ay mayroong 7.46% lamang sa mga rehistradong botante ang bumuto sa 203 polling stations.
Dahil dito ay simula sa Setyembre 1 ay wala ng magpaparenta ng mga scooters.
Magiging epektibo ang scooter rental ban sa katapusan ng Agosto kung saan nakatakdang magpaso na ang kontrata ng scooter operators ng lungsod.
Hindi naman maaapektuhan dito ang mga pribadong indibidwal na may-ari ng scooters.