-- Advertisements --
LA UNION – Arestado ang isang school driver dahil sa kasong paglabag ng RA 7610 o child abuse.
Sa bisa ng warrant of arrest, na may petsa ng Sept. 5, 2019 na inisyu ni Judge Romeo Atillo Jr. ng RTC BR 31 sa Agoo, La Union hinuli ng mga otoridad kahapon, Setyembre 9, sa Poblacion, Aringay ang isang Elton John Yaranon, 34, residente ng Barangay San Benito Sur sa nasabi ding bayan.
Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, ang reklamo laban sa suspek ay inihain mismo ng misis, dahil sa umano’y pagpalo sa kanyang anak.
Si Yaranon ay nanatili ngayon sa custodiya ng Aringay Police at pinatawan ng P80-k bailbond para sa pansamantalang kalayaan nito.