-- Advertisements --
supreme court

Pansamantalang isasara ang mga gusali ng Supreme Court (SC) dahil na rin sa isasagawang disinfection para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kataas-taasang hukuman.

Base sa Memorandum Circular na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, bukas ay sisimulan ang disinfection, cleaning at sanitation ng iba’t ibang opisina ng Korte Suprema.

Magtatagal naman ito hanggang Miyerkules o sa Hulyo 22, 2020.

Kasabay ng isasagawang disinfection ay suspendido rin ang pasok ng mga empleyado mula Hulyo 20 araw ng Lunes hanggang Hulyo 22 araw ng Miyerkules sa susunod na Linggo.

Sa Hulyo 23 naman araw ng Huwebes, muling sasalang sa Rapid Anti-Body Testing ang lahat ng mga Justices, officials, employees at service providers.

Ang mga personnel lamang na papasok sa susunod na linggo ay ang mga empleyado ng Office of the Bar Confidant, Cash Collection and Disbursement Division, Fiscal Management and Budget Office (FMBO), Medical Services, Security Division, Office of Administrative Services (OAS) at Maintenance Division.

Samantala, ang signing ng Roll of Attorneys naman para sa 2019 Bar Passers ay tuloy-tuloy naman ay magtatapos ito sa Agosto 6.