-- Advertisements --

Nag-isyu ng show cause order ang Korte Suprema laban kay dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Spokesperson Lorraine Badoy dahil sa sinasabing pagbabanta nito kay Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Marlo Magdoza-Malagar sa social media.

Ayon sa Supreme Court (SC) Public Information Office, binigyan ng mga mahistrado si Badoy ng 30 araw para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng contempt ng hudikatura at ng Korte Suprema.

Bukod dito, inatasan din ng SC si Badoy na tumugon under oath sa ilan pang isyu.

Isa na rito ay kung si Badoy ay nag-post sa ano mang social media ng pahayag na binabanatan ang September 21 ruling ni Judge Magdoza-Malgar.

Nais din ng SC na sagutin ni Badoy na kung ang sinasabing post nito na nagiimply ng karahasan ay bahagi ng kanyang freedom of speech.