Naniniwala si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP)chairman emeritus Manny V. Pangilinan na mas magandang maging tahimik muna ang lahat habang inaayos pa ang pagkuha kay Jordan Clarkson para makapalaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Mas nais ni Pangilinan na hindi dapat ipakita ng Gilas na agresibo silang makuha ang Cleveland Cavaliers player.

Kabisado na niya ang ugali ng mga FIBA na mas magandang maging tahimik kaysa gumawa ng ingay habang isinasagawa ang pagkuha ng kasunduan.

Nauna rito tiniyak ng SBP na makukuha nila si Clarkson para makasama ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa buwan ng Agosto.